Carnapping Incident in Dasmarinas Cavite

Share:
kawawa naman itong babaeng rider! inagawan ng motor tinulak at sinipa pa ng lalaking umagaw ng motor! makikitang tatlo ang suspect, ang isa ay umangkas sa biktima habang ang dalawa naman ay naka abang habang sakay ng isa pang motor!. makikita sa video na itinabi ng babae ang motor sa isang truck at sinubukan nyang humingi ng tulong sa driver nito pero sa kasamaang palad ay hindi sya tinulungan nito. sinubukan din nyang humingi ng tulong sa iba pang motoristang dumadaan pero walang tumulong sa kanya ni isa. hinarang pa nya ang dumating na motor sa pag aakalang matutulungan sya nito pero kasabwat pala! wala ng nagawa ang kawawang biktima! Nakatakas ang mga suspect na huling nakitang lumabas papuntang Mangubat ant hindi na nakita sa CCTV kung saan na ito nagtungo.
Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng kapulisan ng Dasmarinas ang mga suspect.
Nangyari yan ika-16 Oktubre bandang 3:54am sa may kahabaan ng Aguinaldo hi-way at dano street intersection Dasmarinas Cavite. kuha ang cctv na yan ng Dasmarinas CCTV and Rescue Group!

No comments