Unang una na sasagi isip mo kung paano na sya paglaki nya?
Paano ko sya aalagaan?
At kung kapos naman sa pera, Saan ako pwede humingi ng tulong para maoperahan sya?
Napakaraming tanong ang sasagi sa isipan mo, bukod pa dyan ang sakit at awa na nararamdaman mo,
Ano nga ba ang sanhi ng pagkakaroon ng cleftlip o bingot ng isang bata?
Ayon sa mga experto ang cleftlip o bingot may Dalawang Dahilan,
1. maaring ito ay minana sa mga ninuno na katulad ding may bingot(maaring nagmula pa sa kanuno-nunuan)
2.maari din namang sanhi ito ng kakulangan sa Folic Acid ang isang Ina habang sya ay nagdadalang tao!
Ayon sa paniniwala ng iba ang Pagkabingot ay sanhi ng pagkaka-dulas ng isang nagbubuntis, subalit wala pang Pag aaral na makakapag patunay sa kasabihang ito.
Kailan Pwedeng Ipa Opera ang Batang may Bingot o Cleftlip?
Mas bata mas mainam! Kapag sya ay anim na buwang gulang na maari na sya sumailalim sa isang operasyon, dapat lamang siguraduhin na maayos ang kundisyon ng bata at sya ay walang anumang sakit o karamdaman!
Para naman sa Cleft Palate, mas mainam din maisaayos ang Cleft Palate o ngala-ngala habang sya ay hindi pa nakakapag salita. Huwag ng hintayin na lumaki ang bata bago maisa-ayos ang ngala-ngala dahil magiging mas madugo ito kapag inoperahan. kung marunong na magsalita ang bata, maari din naman sya sumailalim sa SPEECH THERAPHY kapag naisaayos na ang kanyang palate o ngala-ngala.
Pangangalaga sa Bagong Opera para sa cleftlip
- kinakailangang panatilihing malinis ang sugat
- paliguan araw araw, linisin ang langib ng basang cotton buds ang sugat sa labas(huwag gagamitan ng agua oxinada o betadine)tanging malinis na tubig at cotton buds lang ang dapat gamitin.
- pahiran ng niresetang gamot ang sugat.
TANDAAN
- hanggat maari ay iwasang paiyakin ang bata upang hind bumuka ang tahi at tanging Liquid food lang muna ang ipakain sa kanya
- huwag hihilahin o tatanggalin ang anumang sinulid na makikita, ang mga doktor ay may mga ginagamit na sinulid na kusang natutunaw, at yung hindi naman natutunaw ay doktor na ang bahalang mag alis isang linggo matapos ang operasyon.
Paangangalaga sa Bagong Operang Palate o Ngala-Ngala
- tanging liquid lang ang pwedeng ipakain
- panatihihing malinis ang bata, paliguan araw araw
TANDAAN
kung lalagnatin ang bata 3 araw matapos angg operasyon maari syang dalhin muli sa doktor na nagsagawa ng operasyon,
kung patuloy ang pagdurugo ng palate o ngala-ngala 3 araw matapos ang operasyon, sumangguni muli sa doktor.
Maraming mga ORGANISASYON ang Handang tumulong sa mga ipininanganak ng may Bingot o Cleftlip, kinakailangan lamang ng tyaga at sapat na panahon para sa inyong mga anak!
Ang Mga Ito ay Base sa Aking Sariling Karanasan Bilang Ina.. kung mayroong karagdagang katanungan maaring mag Comment at malugod ko po kayong sasagutin! Maraming Salamat Po!
Kapapanganak ko lang po nung 12-24-18 may cleft lip po ang anak ko partial lang po...wala po sya sa ngala ngala pero ang kalembang nya po pilas din...nakakalungkot lang isipin na inalagaan mo ng 9 na buwan sa tyan mo tapos bilang ganito pa din ang mangyayari...6 months po pwede na syang operahan?paano kapag umiyak sya di kaya mapilas ulit...
ReplyDelete11 weeks preggy na po ako, sumakay po ako ng trycicle pauwi sa bahay ko mejo malubak po ang daan at makalog, yung driver po nakasakay na ko sabi nia ibababa lang niya ang trycicle nia d ko naman expected na mejo mataas pala nakalog ako sa loob nito . may masama po bang epekto to sa baby ko kinakabahan po kasi ako
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletePano po mapadede ang bingot?
ReplyDeleteKase po nahihirapan sya dumede s nanay nya,ano pong paraan para sya mkadede?
ReplyDeletekailangan po b mgdonate ng dugo ng mga mga magulang ng batang my cleft lip/palate?
ReplyDeleteHello. bata lang po ba talaga ang pwedeng operahan? pano po pag adult na? ndi na po ba un pwedeng operahan? my kybgan po kase akong may cleft lip din..
ReplyDeleteBakit nag kekeliod ung ibang bata pagkatapos ng gumaling
ReplyDeletenangangmba po ako baka may bingot ang qbk ko ano po ang bpwede k gawn para nalamn po sa july 8 po ako mngangak
ReplyDelete6 months na po buntis Asawa ku na tumba po sa motor maaari po kea maging bingot baby nmin?medyo nandilim dw po kc pagtingin nya.salamat po sa sagot
ReplyDelete