Sintomas ng JAPANESE ENCEPHALITIS!

Share:
Ang JAPANESE ENCEPHALITIS ay isang uri ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok! Maituturing na mas mabagsik ang ganitong klase ng virus kung ikukumpara sa DENGUE virus!

Ayon sa ulat! mayroon ng naitalang 9 na kaso ng namatay sa JEV dito sa Pilipinas mula Jan 1-Aug 26 ng taong kasalukuyan,
1-laguna
1-pangasinan
1-nueva ecija
2-zambales
4-pampangga!

Ang higit na nakakabahala dito ay sapagkat wala itong lunas! katulad na lamang sa kaso ng isang batang 3taong gulang na taga Mexico,Pampangga!

Pumanaw ang batang babae na si ALEXINE T. CANDA sa edad na 3taon, 24 oras matapos sya makaranas ng mga sintomas ng JEV! di umano'y nalason ang dugo nya at idiniklara ng BRAIN DEAD sa ospital.

ctto;
R.I.P Alexine!!!

Walang lunas sa virus na ito ngunit maari naman ma-prevent sa pamamagitan ng VACCINE at hanggat maari, dapat panatilihing malinis ang ating kapaligiran! 

Ang mga SINTOMAS nito ay ang sumusunod!


  • mataas na lagnat, 
  • pagtatae,
  • pagsusuka,
  • pagtirik ng mata,
  • di makapag salita,
  • masakit na tonsil,
  • masakit na gilagid,
  • pananakit ng tiyan, 
  • panlalambot at 
  • seizure!    
Huwag na natin hintayin na may mawala sa miyembro ng ating pamilya! panatilihin nating malinis at ligtas sa kagat ng lamok ang bawat isa! kung kinakailangan gumamit ng kulambo sa pagtulog, gawin mo ito dahil hindi katulad ng DENGUE carrier na lamok na sa hapon lamang nangangagat, ang JEV carrier na lamok ay walang pinipiling oras mapa umaga, hapon o gabi man!

*iwasang magsuot ng mga dark colored na damit lalong lalo na kapag matutulog dahil attractive ito sa lamok
*maglinis ng katawan bago matulog, dahil gustong gusto din ng mga lamok ang amoy pawis!
*gumamit ng insect repellent lotion o kahit mosquito coil, makakatulong ito para hindi ka kagatin ng lamok!

Maging maingat po tayo ligtas! Salamat po!!!

No comments