Paano Kumuha ng Phillipine Passport!

Share:
      Isa sa mga mahahalagang dokumento na kailangan ng mga Pilipino para makapang-ibang bayan ay ang PHILIPPINE PASSPORT!

Kung dati ay marami ang nahihirapan sa pagkuha nito, ngayon ay may mas pinadaling paraan na sa pamamagitan ng TEKNOLOHIYA.
Maari ka ng makapag set ng Appointment ng iyong libreng araw at petsa sa pamamagitan ng ONLINE PROCESSING SYSTEM.at may option ka pa kung gusto mong ipa-Deliver nalang sa inyong tahanan sa loob ng 7working days.



Para sa New Applicant o Renewal man, Makakatulong ang Article na Ito...





Philippine Passport Application

Step1: Siguraduhing may sapat na requirements para sa Online Appointment System
  *Computer na may Internet Access
  *Valid na Email Address kung saan marerecieve mo ang System Generated messages.
  *PDF reader at Printer kung saan pwede ma-print ang isang System Generated Application Form sa isang size A4 na papel.

Step2;Gumawa ng Online Application sa DFA

Pumunta sa link na ito at piliin  ang Schedule an  Appointment sa menu
Pumili sa Start Individual Appointment kung para sa sarili ang kukunin o Start Group Appointment kung para sa pamilya.
Sagutan ng Tamang Impormasyon at tandaan ang mga Requirements!(tingnan ang mga requirements sa ibabang bahagi)at pumili ng gustong date at time para sa Personal Appearance.

( Mga Dapat Tandaan)
    #ang Appointment System ay First Come First Served!
    #gumamit lamang ng Valid na GMAIL o YAHOO! upang matanggap ang Booking Confirmation          pati narin ang mga Updates. Hindi pwede ang ibang email tulad ng MSN, Hotmail, Outlook and         Live ayon sa DFA dahil sa "Technical Incompatibilities"
    #kung magpapa appointment ka kailangan pumili ng araw na hindi gaano katagal.
    #at kung magpapa appointment ng paulit ulit, mawawalan ng bisa ang mga naunang appointment!

STEP3;Pumunta sa DFA sa iyong Napiling araw!

Ang DFA CONSULAR OFFICE ay matatagpuan sa ASEANA Business Park,Bradco Avenue corner Macapagal Boulevard,Paranaque City

Maari ring pumunta sa DFA Satellite Offices sa ilang piling malls, regional consular offices at Philippine Embassy para sa mga nakatira sa abroad! pumunta sa link na ito para sa ilang karagdagang kaalaman.

(Dapat Tandaan)

  #dapat sundin ang proper dress code, bawal ang sando, shorts, spagetti straps, flipflops/slipper or sandals
  #kinakailangan din ng physical appearrance mula edad 0 pataas.. bawal ang kasama sa loob kapag ang edad  ay 18 pataas.

STEP4;ipakita ang application form kasama ang kumpletong requirements sa Appointment Counter.

STEP5;kumuha ng number at maghintay sa waiting area na tawagin o makita sa screen ang number na hawak.

STEP6;magbayad ng karampatang halaga sa Passport Enrollment Section (sa 2nd flr)

STEP7;pumunta sa Encoding Section para makuhanan ng image at data.
 (Tandaan)
  #hindi na kailangan magdala ng passpot sized na picture
  #bawal ang contact lense at hikaw pati na rin ang pag ngiti na labas ang ngipin habang kinukuhanan     ng litrato.

STEP8;Magbayad ng Delivery Fee kung gusto mong i-deliver nalang ang iyong passport at hindi na kinakailangan pang bumalik sa araw ng release!


Pumunta sa link na ito para sa kumpletong REQUIREMENTS sa mga BAGONG Aplikante.


Philippine Passport Renewal
  kinakailangan din ng Online Appointment ang mga nagre-renew ng passport.pero may kaunting pagkakaiba sa pamamaraan.



Step1;ihanda ang mga kinakailangang requirements para sa mga passport renewal.(tignan sa ibabang bahagi)

Step2;gumawa ng appointment online.

Step3; i-check ang email para sa Confirmation. i-click ang link at i-print ang sinagutang katanungan sa Application Form.

Step4;pumunta sa DFA sa napiling araw. hanggat maari ay agahan ang pagpunta para hindi ma late.

Step5;ipakita ang Application Form sa Appointment Counter.

Step6;kumuha ng number at maghintay sa waiting area. kapag tinawag o nakita ang number na hawak sa monitor, pumunta lamang sa designated window ng Processing Area. ipakita ang mga requirements at mamili kung nais mong regular(P950) o express (P1,200)

Step7;pagkatapos magbayad ng Renewal Fee magpunta sa Encoding Section para sa image at data capturing.

Step8;magbayad ng karampatang halaga kung gusto mong ipaDeliver nalang ang passport at para hindi muna kailanganin pang bumalik sa DFA para sa Release ngf Passport.



Para sa Passport Renewal Requirements magpunta sa link na ito..



 Sana ay Nakatulong ako sa inyo! goodluck!


No comments